Artist: 
Search: 
Reddit

I.d.0.4. - Gabay lyrics

Landas ma'y mapunta sa dilim
Limot ma'y maghari sa puso ay damhin
Pag-ibig sa Iyo'y 'di kayang pigilin
Aking gabay ako'y akayin

Tanggapin Mo isang ligaw na anino
Sa Iyo ay laging sumasamo
Paglakad sa landas ng buhay
Maging gabay sa 'king paglalakbay

Chorus:
Kung dugo man ay pumatak
Pangamba man ay mag-ugat
Alam kong nariyan Ka lang
Aking gabay, liwanag ng diwa

Ang luha sa mukha'y pahirin
Pag-ibig na laging sa piling ay hiling
Paano sasabihing walang bukas
Ikaw ang ilaw na laging kapiling

(repeat chorus 2x)