Artist: 
Search: 
Reddit

Gloc 9 - Hinahanap Ng Puso (feat. Hanna Romowac) lyrics

Pasensya na aking mahal
Di naman ako mag tatagal
Nais ko lamang marinig mo
Ang bawat nilalaman
Ng puso kong ito inaalay ko sayo
Dinggin mo sanang
Mga sinasabi ng awitin ko
Pilitin mang ibaling at sa iba'y isalin
Ay 'di malimot ang halimuyak na hatid ng hangin
Nang una kang makita hindi makapaniwala
Parang panaginip at langit aking nadarama...

Refrain:
Nais kong malaman mong ikaw ay aking iniibig
Sana ay dinggin mo ang tibok nitong dibdib
Nais kong malaman mong ikaw ang nasa panaginip
At magkalapit agwat ng ating daigdig

CHORUS:
Hinahanap ng puso ang pag ibig mo (Makinig ka sana sakin)
Di nito malilimutan ang pagmamahal at ligaya na dala mo (Laman ng aking damdamin)
At kung sakasakali na kaya mo pang ibalik (Sige na huwag ka nang mag alinlangan)
Ang dating pag tingin
Sa puso kong nananabik pa sa iyo

Ngunit ngayon alam ko na sadyang magkaiba
Ano nga naman ang 'di mo pwedeng makita sa kanya
Mayrong magarang kotse, wallet na doble doble
'Di tulad ko na 'di man lang makapanood ng sine
Sana'y malaman mo na mawala man ako
Ay may pag ibig na laging gumagabay sayo
'Di ka pababayaan
Laging aalagaan
Hanggang sa dulo ay tunay
Ang aking naramdaman

Repeat Refrain
Repeat CHORUS(x2)