Artist: 
Search: 
Reddit

Freddie Aguilar - Pangako lyrics

Saan ang pangako mong pagbabago ng paligid
Nasaan ang pag-unlad ng kabuhayan
Kay sarap pakinggan ng kay haba mong talumpati
Ngayon ay 'di ka na makausap

REFRAIN
Narron ka sa 'yong palasyo at nagtatago
Napapaligiran ng mga guwardiya
Mga daing ng bayan ay 'di mo naririnig
Dahil ba sa kalansing ng pera

Palagi kang laman ng dyaryo may kasamang dayuhan
Mga kababayan mo'y nalimot na
Kumukulo na ang tiyan at halos 'di na makahinga
Ikaw nama'y nakangiti sa kamera

[Repeat REFRAIN]

CHORUS
Nasaan ang iyong mga pangako
Sa hirap, bayan ay mahahango
Nasaan, nasaan

BRIDGE
Itong mga mamamayan, baon na sa mga utang
Ito ba ang pangakong kaunlaran

[Repeat CHORUS]
[Repeat REFRAIN]
[Repeat CHORUS twice]

Nasaan, nasaan